
Rodessa "Aiza" Valerio
Nursing student
Adopted Daughter of OFW, Loyola Corvera:
-- Domestic Helper, IRRI-Los Banos,
--Ivory Coast, Africa, 1999—2003
--Seoul, South Korea, 2003—Present
Ako si Rodessa Valerio na ipinanganak noong Aug.22, 1989 sa Pasig Metro Manila. Ang mga magulang ko ay sila Rolando Valerio at Tomasa Corvera, Meron akong 2 kapatid at ito ay sila Raymond at Rosselle Valerio. Pagkapanganak sa akin ng ina ko, inihabilin niya ako sa tiyahin ko na si Loyola Corvera at sa ninang 'kong si Virginia Gamilla, sa kadahilanang kailangan magtrabaho ang mga magulang ko.
tiyahin ko para raw magkaroon ako ng magandang kinabukasan at matustusan at maibigay niya ang mga pangangailangan ko sa buhay. Wala akong nagawa kundi pumayag. Naisip ko din kasi na tama at may punto ang tiya ko. Nakaalis na sya papuntang Ivory Coast, sa una talagang nakakalungkot pero nakapag-adjust naman din ako.
nanaman yung time na aalis muli siya, wala naman akong nagawa kundi ang pumayag. Hanggang gumraduate ako ng grade 6, at nasaksihan ng tiya ko ang aking pagtatapos, Masayang masaya ako dahil nandito sya noon. Nag High School ako sa Liceo De San Pablo, Doon ko talaga balak pumasok ng High School dahil Catholic School ito at magiging mas malapit ako sa Diyos. Katulad ng nakahiligang gawin ng tiyahin ko, every Xmas at New Year umuuwi siya para magkasama kami. Gumagraduate ako ng High School at napili 'kong course ay ang Nursing, hindi dahil sa pagiging indimand ito sa ng
ayon, kundi talagang ito ang dati kong gusto at gusto kong makatulong sa mga maysakit. Masaya ako dahil payag ang tiya ko sa napili kong kurso kahit na alam kong isa ito sa pinakamahal na kurso. Sa tulong ng Diyos at sa pagtitiyaga at pagsisikap ng tiya ko, heto at nakakapagaral ako ng Nursing course sa San Pablo Colleges. Ako ay 3rd year college na sa awa ng Diyos. Hindi biro ang kursong ito at alam ko din na hindi din biro ang bayad dito. Isang taon na lang at gagraduate na ako. Pagnakapass ako sa board exam, agad akong hahanap ng trabaho para makatulong ako sa mga nag-aruga at nagpaaral sakin. Mahirap pala talaga ang mapahiwalay sa mahal mo sa buhay para lang makapagtrabaho sa ibang bansa. Ibang pag-sacrifice ang ginagawa niya o nila para lang may maipadala siya sa atin. Sana makakuha agad ako ng job para ako naman ang makatulong sa mga nagpakahirap sa akin na para makapagaral ako. Susuklian ko lahat ng mga ginagawa nila para sa akin...

3 comments:
Congratulations! I wish you all the best after you graduate. Tanong ko lang, sa palagay mo, magiging OFW ka rin ba? Will you be working as a nurse abroad? Ilan sa mga batch mates mo ang gustong magtrabaho dito sa Pinas?
Talaga mahirap mahiwalay sa mga mahal mo na nagtratrabaho sa abroad maswerte ang nagalaga at nagaruga sayo dahil pinapakita mo sa kanila ang pagsisikap mo na makatapos sa iyong pagaaral... Dahil sa sipag at tyaga mo sigurado malayo din ang marating mo.
Post a Comment